移民局长辞职
Nagbitiw bilang hepe ng Bureau of Immigration (BI) si retired Gen. Ricardo David Jr. matapos mabigo itong masawata ang mga iligal na gawain ng kanyang tauhan sa pagpapatakas sa mga kriminal palabas ng bansa.Kinumpirma ni deputy presidential spokesperson Abigail Valte na tinanggap na ni Pangulong Benigno Aquino III ang resignation letter na isinumite ni David nitong Hulyo 12.
“Commissioner David tendered his resignation to the President and the resignation has been accepted. We would like to thank Commissioner David for his service to the country in all the years that he has served in the military,” ani Valte.
Hindi binanggit ni Valte ang dahilan ng pagbibitiw ni David, pero natural na umanong gawin ng isang hepe ng ahensya na magbitiw kung hindi niya makontrol ang mga nagaganap sa kanyang tanggapan.
Matatandaang sa panahon ng panunungkulan ni David tumakas palabas ng bansa si dating Palawan Gov. Joel Reyes at kapatid nitong si dating Coron, Palawan Mayor Mario Reyes, parehong nasasangkot sa murder case, nang tulungan sila ng dalawang immigration agent sa NAIA Terminal 3 noong Agosto 2012.
Nitong Abril naman ay isang South Korean fugitive ang nagawang makasakay ng eroplano palabas ng bansa matapos itong i-escort ng dalawang personnel ng immigration.
别高兴的太早,这种小case的事件都会辞职,证明以后的手续更难 {:6_284:}哦求翻译 太长看不懂 哪个好心人 帮忙烦一下 最好那个税务局长也换掉{:6_373:} 该辞职了,我工作证提交了快1年了,都还没下来! 看不懂的悄悄路过 刚起来代理的这局长更受不了 现在来16个月以上的要回去不管大人小孩都全部进入黑名单
来自iphone客户端 看不太懂,貌似是放人出国的,不是进来的 代理局长真他妈黑心..旅游签超过六个月要办理清单全部给黑名单.. aaronding 发表于 2013-9-5 21:07
代理局长真他妈黑心..旅游签超过六个月要办理清单全部给黑名单..
你这是听谁说的啊??
页:
[1]
2