马上注册,结交更多好友
您需要 登录 才可以下载或查看,没有账号?立即注册
x
Nagbitiw bilang hepe ng Bureau of Immigration (BI) si retired Gen. Ricardo David Jr. matapos mabigo itong masawata ang mga iligal na gawain ng kanyang tauhan sa pagpapatakas sa mga kriminal palabas ng bansa.
Kinumpirma ni deputy presidential spokesperson Abigail Valte na tinanggap na ni Pangulong Benigno Aquino III ang resignation letter na isinumite ni David nitong Hulyo 12.
“Commissioner David tendered his resignation to the President and the resignation has been accepted. We would like to thank Commissioner David for his service to the country in all the years that he has served in the military,” ani Valte.
Hindi binanggit ni Valte ang dahilan ng pagbibitiw ni David, pero natural na umanong gawin ng isang hepe ng ahensya na magbitiw kung hindi niya makontrol ang mga nagaganap sa kanyang tanggapan.
Matatandaang sa panahon ng panunungkulan ni David tumakas palabas ng bansa si dating Palawan Gov. Joel Reyes at kapatid nitong si dating Coron, Palawan Mayor Mario Reyes, parehong nasasangkot sa murder case, nang tulungan sila ng dalawang immigration agent sa NAIA Terminal 3 noong Agosto 2012.
Nitong Abril naman ay isang South Korean fugitive ang nagawang makasakay ng eroplano palabas ng bansa matapos itong i-escort ng dalawang personnel ng immigration.
|
|